Ano ba ang sinasabi sa Blog.. total ako ay bago lang naman dito siguro pede ko sabihin kahit ano...lalo't hindi naman ako sikat para pagkaguluhan ang blog ko... kaya nga pwede akong magkalat dito ng kahit ano.. hindi naman ninyo ako kilala at kahit maging kakilala nyo pa ko hindi naman ganon kainteresado ang dating ko...
siguro pwede ko dito sabihin na noong high-school ako may putok ako... hahaha
hindi ito biro..totoo at hanggang ngayon naaamoy ko parin kili-kili ko... pasensya na kung may makakabasa nitong blog kong mabaho...
hindi ko talaga alam kung bakit ganon ag nangyari sa kili-kili ko... lagi naman akong naliligo at alam ko sa sarili ko malinis naman akong tao yon nga lang grabeh mag-react ang kili-kili ko... sa pag-pawis siguro talagang tumutulo lalo na pag naniniktako ang crush ko..mas dyahe diba babae kong tao may putok ako... eh langya naman sino ba namn ang gustong nilalayuan ka ng dahil sakili-kili mo... naalala ko lang naman nagsimula kao magkaganito dahi sa deodorant galing saudi.. palibhasa malikot ako at gutong maging dalaga agad ang hitad na si ako... ayon ini-apply ko sa kili-kili ko at hanggang sa namalayan ko na lang na lumalayo sakin mga kaklase ko pag nangangamoy na ako... NAKAKAHIYA...NAKAKAAWA... sa katabi ko... imagine mo since grade 4 nag-umpisa ang baho ng buhay ko... ng dahil sa kili-kili ko at pag-transfer ko ng school nawalan na ako ng confidence sa pag-aaaral ko... naging ako na yong paliging namumutala dahil takot na matawag ng titser... ako din yongkahit alam ang sagot di naman makataas ang kamay dahil baka sumingaw magkamatay sa amoy mga kaklase ko... at ako din yong hindi makasali sa ROTC dahil takot na magpawis lalo kili kili ko at mangamoy... grabeh... ako yong bobo as in bobo talaga ng klase.. pero alam ko naman sa sarili ko di ako bobo naging mahina lang talaga ako dhil nawala na nga confidence ko... at naging suplada din ako noong hi-school ako dati umaayaw na din ako talaga tanda ko pa nga noong 2nd year ako sinabi ko sa tatay ko di na ko papasok... kala ko payag na syayon pala pinag-bakasyon lang ako ng isang linggo... hahaha... pinapasok din nya ako pero bago nyako papasokin ay pinilit nya ko.. at syemprebonggang pilitan nangyari non... imaginin nyo na lang na ang lubid yong mejo makapal pangtali sa duyan yon ang pinampalo sakin ng tatay kong mahal.. hehehe.. salamat na man sa kanya at pasado ako ng hi-school.. pasang awa.. ay naman ano pa... bopols ko nga eh di ba.. hindi ko kaya saulo multiplication table ang alam ko lang don ay by 5 at by 10 pero sige sali na din natin ang by 2... hindiko nadin sya sinaulo kahit ngayon kasi lagi naman may calculator at kung magkagipitan na magbibilang na lang ako kasama daliri ng aking paa.. at yoon nga ang buhay ko sa math chambahan lang ang tama pero tandang tada ko na natuwa ako sa isang tama ko sa algebra noon... natuwa ako kasi out of 5 yata yong quiz na yon nakaisa ako samantalang yong iba ZERO hahaha... natuwa ako kasi piniga ko talaga utak ko non sa takot ko sa math teacher namin... ibig sabihin lang may utak pa pala akong mapipiga.. hehehe... pero kahit ganon pa man terror talaga mga math teacher... napansin ko lang dahil siguro terror yong subject na hawak nila... naisip ko din naman na tama sinasabi nila eh na magiging mahirap nga naman yong subject sayo kung mahirap din talaga tingin mo dito at kung wala pa nga naman eh sinasabi mo na mahirap ito... kaya nga naman palaging gamit at gasgas na ang salitang ito sakin... NASA HULI TALAGA ANG PAG-SISISI sana nga lang PWEDE KO ULITIN ANG LAHAT.. sana nga lang HINDI NA KO NAKIGAYA-GAYA AT GUMAMIT NG DEODORANT NG SAUDI.. o kahit na mangamoy kili-kili ko... SANA NAGSIKAP PARIN AKO NA GAWIN LAHAT KAHIT MAGKAAMOYAN NA... pero ganon talaga natatakot din kasi ako mapakinggan sa sarili kong tenga baka sabihin nila yuck ako.. naalala ko tuloy yong crush ko na talagang honest sya infairness... kahit na tinutukso nya ako natutuwa pa din ako sa kanya kasi kahit na napahiya ako eh narealize ko na di ko makikipit sa kili-kili ko ang putok kong nananampal talaga ang amoy... siguro kilala din ako sa school namin noon di nga lang famous dail sa maganda o matalino or sumayaw kundi dahil sa siguro lahat sila nakalanghap na ng mabahongkili-kili ko..pakiramdam ko nga pinag-uusapan nila ako behind my back.. alam ko may mganagkakagusto sakin pero nahihiya pa din ako lumapit kasi baka masampal sila... hindi ko kundi amoy ng kili-kili ko... putik talaga... turn-off na malupet... gumagamit naman ako ng samot-saring deodorant pero di ko ta;laga sya maalis... pero pasalamat parin ako sa nevea yong kulay pink nabasan naman ang amoy... sa tulong na din ng pag-ligo sa gabi... pero sana naman may librenggamot sa ganito or mura lang hindilalampas ng isang libo at kung makakatawad ng 500 mas masaya... marami ng nawala sakin dahil sa amoy ng kili-kili ko... alam ko madami ako kakayanan pero nabalewala dahil hidi ko naipush at dahil ngayong 26 na ko pakiramdam ko wala na ko maaachive lalo... dahil sa walang confidence nga at naging bobo na nga parang may maaabot pa ba ako... in fairness naman kahit na mabaho kili-kili ko sapag aalaga ko ng bonggang bongga sa tulong ng alchohol at sabon at tubig at ilang palit ng damit naging lalakero din ako... bongga di ba.. siguro mga jowa ko may mga malalakingkulangot sa ilong kaya di nila ko naaamoy... kaya siguro sila nangawala dahil nangulangot sila at natuklasan nila na whoah ang bahao ko pala... aminado naman ako na isa sa dahila kong bakit ako nakikipag-break ay isa din ito sa insecurities ko... natatakot ako nabaka pag naging pawisan na ako maturn-off na sila... o kaya baka pag nagka-initan na pag taas ng kili-kiliko masipa sila ng kili-kili ko...(nangalay na sa kakasampal kaya sipa naman) kya pag bed scene na nakuh po walang taasan ng kili-kili hahaha... and alangan naman sumabak akong nangangamoy ako... kayo naman... hindi ko nga alam kung bakit ako naging masayahing tao sa kabila ng ganito... pero alam ko na din ngayon lang mga after 2 seconds... dahil sabi nga tong mga taong mas masiya tingnan ay yon yong mas madaming sakit na nararamdaman... kaya nga sa panahong ng pagdadlaga ko hindiko masyado naenjoy iyon wala akong masyadong naging kaibigan dahil nahihiya din ako mareject at wala din akong seryosong relasyon dahil sa tingin ko baka don din mag-end sino banaman ang may gustong magka-gf or asawa na mabaho... siple lang naman trabaho ko at maliit lang sweldo ko... ginawa ko na lahat pero may amoy pa din sya... ang kalaban ko palagi ay araw at pawis... kelan kaya ako magkakaroon ng confident na magtaas ng kili-kiliko na di mangamngamoy... kahit pa nga siguro maging basa sya basta wala lang amoy.... at sana wala ding buhok... nakagaya ng buhok sa baba... ah ah ah... sa binti ng lalaki... tsk tsk tsk....masaya na ako non..sana may magcomment man lang ng gamot na talagang effective wag lang kamahalan at wala din ako ibibili... kung idodonate pwede pa.hihihi...